Isang kapuluan ang Pilipinas na binubuo ng may 7,100 mga pulong parang mga perlas na ibinudbod sa karagatan. Dahil sa kagandahan ng tanawing ito mula sa itaas. Ang Pilipinas tinaguriang " Perlas ng Silangan" ang isang bansa ng mga makata.
Ang pilipinas ay isang bansa kung saan may malalaking pulo ito ay ang Luzon,Visayas at Mindanao. Ang bansa ay mayroong katamtamang klima dahil sa sonang tropikal at itoy napapaligiran ng tubig. Kung lupa ang pag-uusapan ang Pilipinas ay mayaman sa kapatagan,lambak,bundok,bulkan,burol,talampas at tangway. Mayaman din ang bansa sa anyong tubig ito ay ang mga Maria Cristina Falls na matatagpuan sa lugar ng Iligan, ang Boracay na matatagpuan sa Aklan. Ang Pilipinas ay maraming magagandang tanawin maliban sa nabanggit sa itaas. Kayat masasabi nating ang Pilipinas ay isa sa may pinaka magandang tanawin sa mundo. Ihambing man natin ito sa buong mundo hindi pahuhuli ang Pilipinas. Dahil kadalasan sa mga nakikita natin marami paring mga dayuhan ang pumunta dito sa ating bansa, at nagsasabi kung gaano kaganda ang ating bansa. Bilang isang mamayang Pilipino dapat nating pangalagaan ang ating bansa nang sa ganun mapanatili natin ang ganda ng Pilpinas.
Emma Lou O. Solis II-D